White Pages
Salamat na lang kay Bob ong at sa kanyang “Stainless Longanisa”, dahil ito ang naging susi upang maging posible ang librong ito, na sa tinagal tagal ng panahon ay natupad din ang aking pinapangarap.. oa ,,at buti naman ay naisipan kong tumulay sa alambre…ni hindi ko alam kung san ako magsisimula o kelan ako matatapos ..ewan,, sana nga matapos ang librong ito.. sana ay dito tumulo ang dugo’t pawis ko..baka ikamatay ko pa ‘yun.. ibubuwis ang buhay mapatunayan lang ang bias ng pagiging isang tunay na mamamahayag,.wow! grabe. Pero sa totoo lang dedikado talaga akong matapos ko ang mala obra maestrang ito.
Susubukan kong tantyahin ang kapasidad ng sinassabi nilang “ay kyu”..magagamit ko kaya ang IQ 189 ko..grabe baka mabaliw din ako tulad ni Bob Ong at ng kanyang mga dakilang libro na talaga namang nakakaadik..kahit na yung iba ay wala na sa normal na tema, out of coverage area,out of stock,..pero kuha ang panlasa ng milyong milyong mambabasang pinoy.,tiyak na tutulo ang laway mo!!!
Pinanganak na yata akong manunulat, walang ginawa kundi sumulat ng sumulat, ubos ballpen at ubos pad….sayang at minsan hindi pa magugustuhan at ayon diretso sa trash can! Tulad ng mga ginagawa ng mga sosyal na editor-in-chief sa mga nakaka stress na publication… pero lahat yan ay naranasan ko na rin ..yung tipong mula sa pagiging young journalist..bilang contributor to feature editor ,tapos biglang switch to photojournalist ,then ang inaasam asam na Editor-in-chief,,pero sa totoo lang I never put those articles na gawa ng mga baguhang writer sa trash can,,kahit na sobrang nakakbaliw kung uunawain,,instead of putting it ,, nirerevise na lang or else brand new work and yung mga importanteng details lang ang sinisimot..ngunit Masaya ang buhay journalist..mararanasan mong maging all around parang..trabahador na walang sweldo,.minsan pa nga sa kagustuhan naming lumahok sa press conference..pnilit naming tapusin ang iilang pages,,inabot halos kami ng hating gabi upang umarangkada naman kahit papano an gaming tabloid!
But as a matter of fact na sa sobrang dalas ng pagsusulat ko.ay thre’s a time pa rin na nablablanko ang aking utak, ang daming pumapasok, pero drawing ang lumalabas sa papel ko, nakakabore na ewang parang tanga na wala kang maisip, at pag sumuko ka na at humiga..saka naman dun maglalabasan ang swak na topic at idea… talaga nga naman.mararanasan mo ding mapagod na sa totoo lang ay nakauo ka lang ..nagiisip at panay lang sulat! Walng biro..mararamdaman mo ang pagod na arang isang construction worker, mga call center agents na sa umaga na ang tulog at destined to be the ultimate stress absorber.. well..hindi ko naman kayo tinatakot maging dakilang journalist…dahil lahat ng pagod at hirap na naranasan ko ay napakalaki ang naiambag sa estado ng pagiging isang estudyante,anak, at simpleng tao. Mararamdaman mo ang ‘yung kapangyarihang buhayin ang mga natutulog na imahinasyon , bigyang kulay ang mga bagay na sa tingin natin ay simple, at most of all, gagana ang mga kinakalawang nating vocabulary.
Hindi ka man makagawa ng ubod ng gandang mga extraordinary super sa lalim na parang balagtasan at pelikula na parang mga obra at nobela...di mo maipapaliwang ang sayang dulot kapag makikita mong may humahanga sa mga itatapon mong gawa ..parang there’s something na magbibigay sayo ng encouragement para bumuo ng panibago at mas magandang liturhiya… sigaro nararapat muna nating putulin ang kabaliwang ito…introduction is over!